*Sana tayo parin sa huli.
*Sana yung promises natin kahit parehas nating hindi nasunod sana maging daan yun to show na walang perfect relationship at hindi yun maging hadlang.
*Sana nababasa mo ‘to.
*Sana magkita tayo ulit.
*Sana miss mo rin ako.
Love is patient.
Kahit marami akong friends I still feel so alone. Wala rin naman sense kung marami friends mo kasi hindi lahat makukuha mo atensyon. Hindi lahat interesado makinig sayo, hindi lahat ready tumulong. So para san pa ang pagkakaroon ng maraming kaibigan?
Sabagay ako rin kasi ‘tong nahihiya lumapit at mag open up ng mga bagay sa kanila. Kung may malapit lang sana akong kaibigan na handang makinig ng dramas ko in life.
Nakakainggit naman yung mga taong may katabi sa pagtulog (kapatid,mama,papa,boyfriend/girlfriend). 10 years na kasi akong natutulog ng walang katabi, namimiss ko lang yung feeling at moment kapag may katabi sa pagtulog.
Nanganganib ang grades ko this sem. Ewan ko ba, pero tinamad talaga akong magseryoso sa pagaaral ko. Bukod kasi naging Sunday lang ang vacant day ko na hindi tulad ng dati Tuesday, Friday and Sunday ay nawalan din ako ng gana. Sa kabila ng lahat ng ‘yon naging makasalanan man akong estudyante ay umaasa parin naman ako na SANA MAKAPASA. Sumakto pa na nagbago yung grading system, kaya kahit matataas scores ko kapag kinompute na hindi parin ganun kataas nagiging result.
Nasa huli talaga ang pagsisisi, sisingsisi ako sa mga ginawa kong plano pagdating sa study habits ko. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag may bagsak ako. I’m hoping na sana ipasa ako ng mga professors ko. Actually 3 subjects ang delikado at nagpapakaba sakin at yun ay ang subjects naming PHY103A , SOC5, at lalong lalo na ang CPH1 na isa sa major. Grabe habang nalalapit ang releasing ng grades dumodoble naman yung kaba at takot ko. Ipagdasal niyo naman ako please….